Ang Buod ng Kabanata:
Malaki ang bahay na tinitirahan ng estudyanteng si Makaraig. Maluwag ang bahay na ito at puro binata ang nakatira na pawang nangangasera. Iba-iba ang kanilang edad at pag-uugali. Marami sa kanila ay ngayon lang nakapunta sa bahay ni Makaraig dahil marami itong pera. Maraming babae si Makaraig at isa na rito si Paulita Gomez na niligawan niya nang hindi alam ni Isagani. Ikinagalit ito ni Isagani ngunit naisip niyang mas malakas siya rito at mukha namang pera si Paulita. Samantala, si Crispin ay natagpuan sa ilalim ng puno ng kahoy narra sa likod ng bahay ng mga mag-aaral. Galit si Basilio at sinugod si Padre Salvi subalit hindi na ito makakilos. Naawa si Basilio.
Si Makaraig ay isang mayamang mag-aaral ng abogasya at pinuno ng kilusan ukol sa isyu sa Akademya ng wikang kastila. Ang pangunahing estudyante na sina Isagani, Sandoval, Pecson at Pelaez ay inimbitahan ni Makaraig upang pag-usapan ang kanilang pakay. Mananalig sina Isagani at Sandoval na pagbibigyan hiling, samantalang nag-aalinlangan si Pecson. Si Sandoval ay larawan ng mga kastilang may malasakit at pagpapahalaga sa mga Pilipino.
May dalang magandang balita si Makaraig. Ibinalita niya na si Padre Irene ay ang nagtatanggol sa kanila laban sa mga sumalungat sa kanilang adhikain. Kailangan ng grupo ang pagkiling ni Don Custodio, isa sa mga kataas-taasang lipon ng paaralan sa kanilang panig. Dalawang paraan ang kanilang naisip upang pumanig sa kanila si Don Custodio, si G. Pasta isang manananggol at si Pepay na isang mananayaw na matalik na kaibigan ni Don Custodio. Napagkaisahan ng lahat na piliin ang manananggol upang maging marangal ang kapamaraanan.
https://tl.wikibooks.org/wiki/El_Filibusterismo/Kabanata_14_:_Sa_Bahay_ng_mga_Mag-aaral
Minsan sa aking buhay, napag-iisipan ko kung ano kaya ang mangyayari kapag ang isipan ko ay maiimpluwensiyahan sa ibang klase ng tradisyon na galing sa mga iba’t ibang lahi sa ating mundo. Ang kalalabasan nga ba nito ay magiging positibo ba? O negatibo? Ano kaya ang magagawa nitong epekto sa ating kasalukuyang panlipunan? At bilang isang mamamayan ay nararapat ba itong manalo sa pagkain ng ating nakakasanayang pananaw para sa ating minsang minahal na inang bayan?
Sa kabanatang ito, nasisiyahan ko talaga ang ugaling maayroon si Sandoval, isang Kastilang may malasakit sa ating bayan, na sana rin ay mayroon tayong lahat. Isang ugaling minsan lang natin makikita sa mundo ngayon, lalo’t lalot na’y maayroon ng mararaming impluwensiyang pwede makakaapekto sa isipan ng isang tao. Nakakapatumbalik talaga dahil ang isang kastila nga ay napamahal sa isang bayan na kung saan ang hindi siya mismo kabilang, ngunit ang mga mamamayan ng bayang ito mismo ay hindi nagpapakita ng halaga at importansya.
Nakalahad sa nakakapokus na kabanata ang mga ugaling ipinapakita ng mga pag-aaral sa kanilang tahanan. Sa napapansin ko, maraming mga mag-aaral ang may iba't ibang ugaling tinataglay, na nagadepende sa lugar kung saan sila napabilang, depende sa oras at araw. Mayroong mga estudyante na kung saan ay napakamabait at tahimik sa paaralan, ngunit napakakulit at maingay din sa bahay. Sa aking napagmasdan, ang dahilan kung bakit ang tulad ng mga pangyayaring ito'y nagaganap sa katotohanan ay dahil kapag nasa paaralan ang mga mag-aaral, ay palagi silang binibigyan ng mga pagsubok na may koneksyon sa akademya galing sa mga iba't ibang asignatura, at sa bahay na lamang sila nakakapagsaya sa kanilang mga sarili dahil nabibigatan ang kanilang mga utak sa kakaisip ng malalim tuwing mayroong klase. Doon sa kanilang bahay mo talaga makikita ang kanilang tunay na ugali dahil ang tahanan ang natatanging lugar, na kung saan ang tao ay nakakakita talaga ng tunay na katahimikan sa kanilang mga emosyon at doon lamang sila nakakapaghinga ng maayos; kumbaga sa bahay talaga komportable ang halos lahat ng mga indibidwal sa lipunan.
Gayun paman, ay nakalahad din sa parehong kabanata ang debateng naganap, na kung saan ang mga iba't ibang tauhan ay nagkaroon ng sariling pananaw, at ang mga sariling kaisipang ito ay kanilang inilahad sa lahat ng mga taong napabilang sa nakasaad na pagtitipon sa debatihan. Mayroong mga tao na hindi talaga pumapayag na ang mga mag-aaral ay turuan ng makadayuhang lengwahe, at iba pang katumbas nito, dahil takot sila sa posibilidad na baka mabura ang nakasanayang lengwahe, at kalimutan na lamang ito nang tuluyan. Mayroon ding hindi sumasang-ayon, dahil ayaw nilang magkakaroon na ng alam at ideya ang mga mag-aaral patungkol sa kanilang panig dahil baka't hindi na makikinig sa kanila ang mga ito, dahil nagkakaroon na sila ng alam kung ano talaga ang totoo at nararapat. Samakatuwid ay mayroon ding mga tauhan na pumayag sa nakasaad na payo na turuan ang mga mag-aaral ng lengwaheng makadayuhan, katulad na lamang ng espanya, upang hindi na sila madaling malinlang, dahil hindi na sila ignorante sapagkat sila na ay nakakaintindi ng maayos. Gusto ring ipahatid ng kwentong nakalagay dito na dapat nating ipaglaban ang ating mga ideya, paninindigan, at mga malalakas na dahil basta't alam lang natin na ito talaga ay tunay, at nararapat.
Sa ating nakasalukuyang lipunan, marami tagalang mga indibidwal, lalo't lalo na ang mga estudyante sa iba't ibang paaralan ang nagiging biktima sa pagkakaroon ng kolonyal na mentalidad.
Sa aking napagmasdan, nakakaranas ang mga tao nito, dahil sa mga iba't ibang impliwensiya na kanilang makukuha sa iba't ibang pamamaraan at elemento na nalalagay sa iba't ibang hakbang. Naging dahilang minsan ang pagiging ignorante sa mga 'di nakakasanayang kultura, kung kaya't tinataglay ng mga tao na makakuha rin ng mga makabagong kultura, kahit maliit na persyento lamang nito. Kapag ang sarili kong pananaw ang tatanungin, may magandang epekto at dahilan ang pag-uugnay ng sarili sa kolonyal na mentalidad. Nasasabi ko ito dahil maganda rin naman na magkakaroon ng makabagong ideya at produkto ang mga tao para hindi sila magiging ignorante sa mga bagay-bagay. Kapag ito ay mangyayari, hindi na magiging madaling linlangin ang mga Pilipino. Maganda rin na magkakaroon tayo ng makabagong transaksyon at interaksyon ang mga Pilipino sa iba, upang maensayo ang pagkakaroon nang kapayapaan sa buong mundo. Isang dahilan pa rin ay upang magkakaroon ng pagtutulungan ang mga tao, patungo sa ikakataas ng bawat ekonomiya. Pero, hindi ibig sabihin nito ay pababayaan na ang sariling kultura at nakakasanayang pinanggagalingan. Dapat nating sisiguraduhin na kapag gugustohin nating makaranas ng maliit na bahagi ng ibang kultura, ay dapat parin nating bigyan ng mas malaking importansya ang kung ano talaga ang atin. Bago ko tatapusin ang aking salita tungkol sa kabanatang ito na nagpapakita ng kolonyal sa mentalidad, ay gusto kong sabihin na maganda ang bago, ngunit importante parin ang tradisyonal na kultura; kaya dapat nating ingatan, ipaglaban, at ipagmamalaki ito.